Bala kay mister, sinalo ni misis

MANILA, Philippines - Ipinakita ng isang misis ang kanyang pagmamahal  sa mister na isang barangay chairman nang saluhin nito ang mga bala matapos na pagbabarilin habang natutulog sa loob ng kanilang silid sa Brgy.Punta Fleche, Pitogo, Zamboanga del Sur.

Namatay noon din ang biktima na si Janet Medulla, 32, at residente sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-5:00 ng umaga ay natutulog ang mag-asawa sa loob ng silid nang magising ang misis dahil sa pagdungaw ng isang lalaki.

Nakita nito na inilawit ang baril at babarilin ang kanyang mister kaya’t mabilis na kinoberan niya ito kaya’t sa kanya tumama ang mga bala.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang ginang pero idineklara itong dead on arrival sa tinamong isang tama  ng bala ng cal. 45 pistol sa dibdib.

Show comments