^

Police Metro

Marquez pinakikilos vs jueteng

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Totohanin ang bantang ipatigil ang operasyon ng illegal na sugal na jueteng sa bansa”.

Ito ang naging panawagan ang iba’t ibang non-governmental  organizations (NGOs) sa pangunguna ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) kay PNP Director General Ricardo Marquez.

Sinabi ni 4K secretary general Rodel Pineda, dapat ipa-raid ni Marquez ang mga bolahan ng jueteng partikular sa Caloocan City lalo’t kamag-anak umano ni Mayor Oca Malapitan ang sinasabing nagpapatakbo umano ng lahat ng ilegal na sugal sa lungsod partikular ang sakla, drop ball, pula-puti, monte, tupada at iba pa.

Anila, nagtataka sila kung bakit binigyan ni DILG Secretary Mar Roxas ng Seal of Good Governance ang Caloocan gayong talamak ang sugal doon na pinanga­ngasiwaan ng isang alyas ‘Tuka’.

Ayon naman kay Maximo Dagongdong ng Samahang Maralita ng Tala,  ipinamamalita ni ‘Tuka’ na garapalan ang ilegal na sugal sa Caloocan at buong Metro Manila dahil fund raising iyon para sa pagtakbo ng isang opisyal sa pinakamataas na puwesto  ng bansa.

Hiniling din nina Pineda at Dagongdong sa PNP na paimbestigahan ang sindikatong bumibili pa ng hindi naki-claim na bangkay sa mga punerarya para lamang pagsaklaan nang matagal sa lungsod.

ACIRC

ANG

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

KILUSAN KONTRA KABULUKAN

MAXIMO DAGONGDONG

MAYOR OCA MALAPITAN

METRO MANILA

RODEL PINEDA

SAMAHANG MARALITA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with