^

Police Metro

Mahigit 300 estudyante naospital sa kontra-bulate

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mahigit  sa 300 estudyante sa elementarya at high school ang nadala sa ospital matapos magsuka at sumakit ang tiyan  ilang oras matapos na isailalim sa ‘deworming’ o ang pagpurga na proyekto ng Department of Health (DOH) sa ilang lalawigan ng Region 9 at Region 10  kahapon.

Ang mga apektado ay ang mga lalawigan ng Zamboanga Sibugay,  Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte na nasa nasa Region 9 habang nasa 179 namang estud­yante ang biktima sa  ilang lalawigan ng Region 10 na binubuo ng lalawigan ng Bukidnon, Misamis Oriental at Misamis Occidental.

Batay sa ulat ni Sr. Supt.  Celso Bael, Provincial Director ng Zamboanga Sibugay Police, na mahigit na sa 100 ang mga estudyante mula sa elementarya at high school na isinugod sa Alicia District Hospital.

Ang ‘deworming’ o ang “Goodbye Bulate” ay nationwide project ng DOH sa mga pampublikong eskuwelahan sa elementarya at high school.

Sa report naman ni Dr. Nimfa Turrizo, Regional Office ng DOH sa OCD, nasa mahigit 70 estudyante naman ang isinugod din sa pagamutan bunga ng insidente.

Nabatid na dakong alas-10:00 ng umaga nang isagawa ang ‘deworming’ sa mga estudyante sa natu­rang mga lalawigan.

Sa paliwanag naman ng mga tuminging doktor sa mga biktima na dapat ay busog ang mga pinupurga dahilan kung walang laman ang sikmura ay magsusuka at sasakit ang tiyan.

Nagpasaklolo na ang lokal na pamahalaan ng naturang mga lalawigan sa Region 9  dahil kinapos ng dextrose ang mga ospital na gagamitin para sa mga batang biktima.

ACIRC

ALICIA DISTRICT HOSPITAL

ANG

CELSO BAEL

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. NIMFA TURRIZO

GOODBYE BULATE

MGA

MISAMIS OCCIDENTAL

MISAMIS ORIENTAL

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with