Nag-amok utas sa SWAT
MANILA, Philippines - Patay ang isang 44-anyos na si Ruth Mendoza, na isa umanong drug pusher nang barilin ito ng mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team na rumesponde dahil sa ginagawang pag-aamok ng una kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pasonanca, Zamboanga City.
Batay sa ulat, maga-alas-6:00 ng gabi nang mag-amok ang suspek na walang habas na nagpapaputok ng baril sa ere na ipinagpanik ng mga kapitbahay nito sa kahabaan ng Andico Drive, KM 4, Brgy. Pasonanca.
Makalipas ang isang oras ay rumesponde ang mga miyembro ng SWAT upang sawatain ang suspek, subalit sa halip na sumuko ay naghagis ito ng granada na sumabog na ikinasugat ng tatlong SWAT na kinilalang sina SPO3 Mohammad Alvin Sapal at dalawang tinukoy lamang sa mga apelyidong PO3 Bonifacio, SPO1 Borja.
Kaya’t napilitan ang mga pulis na barilin ang suspek na armado ng cal 38 revolver na naging dahilan ng kamatayan nito.
- Latest