Utak sa sim swap scam nadakip ng NBI
MANILA, Philippines - Bumagsak na sa kamay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang utak ng kontrobersiyal na ‘sim-swap’ na nagawang mapalitan ang sim ng ibang tao sa pamamagitan ng pagpapanggap, makapaglipat online ng savings at iba pang transaksiyon.
Nitong Sabado, isinagawa ang entrapment operation ng NBI kung saan nadakip ang suspek na si Franco Yap De Lara, sa isang lugawan sa Calamba City, sa Laguna na nagkataong may kasama itong isa pang indibidwal na binitbit din ng NBI bagamat hindi ibinunyag ang pangalan hanggat wala pang mabigat na batayan na may kinalaman ito sa ginagawa ni De Lara.
Naisagawa ang entrapment nang may isa pang bibiktimahin sana ni De Lara ang nakapa ng NBI na ginamit sa nasabing operasyon.
Nakipagkasundo umano si De Lara sa hindi pinangalanang complainant at nang magkita ay agad siyang inaresto ng mga nakabuntot na NBI, maging ang kaniyang kasama.
Ayon pa sa NBI, si De Lara ay dating ahente ng kotse ng Toyota, at dahil sa mga nakatagong files niya sa mga kliyente at prospects ay na-access nito ang mga personal data at mga photocopy ng mga identification card kaya nagawang makapa ang password sa online banking na kaniyang nagawang ipa-transfer.
Nabatid na si De Lara ay nagpakilalang Ian Caballeros sa isang Globe Telecom store sa SM North Annex noong nakaraang Hulyo 2, ay napag-alamang may standing warrant of arrest para sa mga kasong estafa at falsification of documents.
Ang pagkakadakip kay De Lara ay kasunod nang pagdulog sa NBI ng Globe Telecommunications Company kaugnay sa reklamo ng tunay na
Ian Caballero, na nabiktima ng suspek matapos na mapalitan ang kanyang SIM.
Ipinaliwanag ni Labao na hindi maituturing na scam ang insidente dahil ang limang biniktima ay mga dati niyang kasamahan sa kompanya. Ipinagharap na ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act, Access Device Law (R.A. 8484) at falsification of documents o Article 172 ng Revised Penal Code.
- Latest