MANILA, Philippines - Bulagta ang sinasabing ika-20 most wanted person matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bayan ng Mendez, Cavite kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang napatay na si Bernardo D. Torres ng Barangay Mahabang Kahoy sa bayan ng Indang, Cavite at sinasabing may nakabinbing kasong illegal drugs.
Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, nagsasagawa ng Oplan Sita checkpoint ang pulisya sa kahabaan ng Barangay Asis 3 nang mamataang umiwas si Torres na nagmomotorsiklong walang plaka.
Gayon pa man, hinabol ng mga operatiba ng pulisya kung saan humantong sa shootout na tumagal ng ilang minuto bago bumulagta si Torres.
Narekober ng pulisya ang itim na motorsiklo, cal. 38 revolver at 2 plastic sachet na shabu.