^

Police Metro

14 menor-de-edad nakapuga sa MYRC

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan  ang pagpuga ng 14-menor-de-edad-na may mga kasong kriminal mula sa Manila Youth Reception Center (MYRC) noong Martes (Hulyo 21).

Nabatid na lumiham si Manila 5th District Councilor Ali Atienza at  2nd District Councilor Rod Lacsamana kay Department of Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman, Justice Secretary Leila de Lima  at sa pamunuan ng pulisya kaugnay sa nasabing pagtakas ng 14-youth offenders na ang ilan ay naghihintay na lamang ng commitment order mula sa korte upang ilipat sa Manila City Jail dahil tutuntong na sa edad na 18. 

Ayon sa ulat na natanggap ng dalawang konsehal, ang mga nakatakas ay may mga kasong robbery, murder at iligal na droga na pawang mabibigat ang parusa.

Dakong alauna ng madaling araw noong Martes nang pumuga ang mga kabataan matapos lagariin ang rehas na bakal sa detention facility.

Kabilang sa posibleng managot ang tumata­yong house pa­rents at mga miyembro ng city security force (CSF)  na nagpabaya.

ACIRC

ANG

AYON

DAKONG

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT SECRETARY DINKY SOLIMAN

DISTRICT COUNCILOR ALI ATIENZA

DISTRICT COUNCILOR ROD LACSAMANA

HULYO

JUSTICE SECRETARY LEILA

MANILA CITY JAIL

MANILA YOUTH RECEPTION CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with