Pero may P630 milyon ang SALN… Binay mahirap lang?

Vice President Jejomar Binay Philstar.com/File

MANILA, Philippines - Hindi umano dapat iboto ang mga elitista sa puwesto dahil sa posibleng mga malalaking negos­yante lamang umano ang maaaring paboran.

Ito ang inihayag ni UNA interim president at Navotas Rep. Toby Tiangco at ibinida ang mahirap na pamilya ni VP Binay at ang umano’y pang-aapi ng administras­yong Aquino sa kanila.

Subalit, maraming naniniwalang patutsada lang ni Tiangco ito sa pambato ni Pangulong Noynoy Aquino na si DILG Secretary Mar Roxas pagkatapos na tanggihan si  Binay na maiendorso.

Hindi pa man nagdedeklara ng kandidatura si Roxas ay tumaas na ang mga rating nito sa lahat ng survey kamakailan na tahimik lang  sa kanyang mga plano at pagtatrabaho bilang kalihim ng DILG.

Tinawanan naman ni UP professor Solita Monsod ang mga palabas na mahirap at inaapi raw si VP Binay batay sa column nito dahil nakatira ito sa Coconut Palace na binigyan ng inisyal na P50 milyon pondo at ibinigay din ang mga hinihingi kaya’t bakit sinasabi umano nito na siya ay inaapi ng admi­nistrasyon.

Mismong ang anak ni VP Binay na si Makati Representative Abby Binay ang umaming hindi sila mahirap dahil meron silang pag-aaring mga lupain at inamin na nasa P630 milyon ang yaman ng kanyang mga magulang.

Show comments