NPC at LP magkasangga pa rin
MANILA, Philippines - Nilinaw ni Nationalist People’s Coalition (NPC) Secretary General at Batangas Rep. Mark Leandro “Dong” Mendoza na mananatili ang coalition nila sa Liberal Party (LP) na pinamumunuan ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ito’y matapos lumabas ang mga ulat na susuportahan umano ng kanilang partido sina Senador Grace Poe at Chiz Escudero ang kanilang kandidatura sa 2016 presidential elections.
Giit ni Mendoza na ngayon ay panahon ng maingay na mga isyung politikal at malinaw ang kanilang mensahe na hindi sila humihiwalay sa coalition ng Pangulo.
Anya, unfair sa mga miyembro ng NPC na napapangunahan sila dahil lamang sa mga espekulasyon na kung saan ay nagsasagawa pa ng konsultasyon sa bawat miyembro kaya hindi umano makakatulong kung may mga naglalabasang iba’t ibang pahayag at espekulasyon.
Dahil dito kaya wala pa umanong pinal na desisyon ang NPC kung sino ang susuportahan sa darating na 2016 elections taliwas sa naunang naglabasan na Poe-Chiz.
Ang malinaw ngayon sa NPC ay ang patuloy nilang pagsuporta sa Aquino administration at sa layunin nitong good and honest governance.
- Latest