SONA ‘wag gawing fashion show-TUCP

MANILA, Philippines - Gawing simple lamang at nasa murang halaga ng damit ang dapat suotin ng mga senador, kongresista at kanilang mga asawa sa pagdalo ng mga ito sa huling State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ni Pa­ngulong Noynoy Aquino sa Batasan Complex sa QC.

Ito ang hiniling ng  workers group na Trade Union Congress of the Philippines-Nagkaisa (TUCP-Nagkaisa) dahil ang SONA ay hindi isang fashion show at wala na sa etika kung magsusuot ang mga mambabatas at asawa nila ng mamahaling damit gayung milyon na kanilang constituent ay naghihirap at nagugutom.

Ayon kay Gerard Seno, executive vice president ng  Associated Labor Unions (ALU), ang mga mambabatas ay kailangang maging halimbawa nang  pagkakaroon ng payak at simpleng pamumuhay upang maging modelo ng mamamayan sa bawat komunidad.

 

Show comments