^

Police Metro

Para sa presidente at bise presidente... NP-NPC wala pang bet

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ikinagulat ni Senator Cynthia Villar ang lumabas na balita na may nabuo nang alyansa ang kanyang partido na Nacionalista Party (NP) at Nationalist People’s Coalition (NPC) para suportahan ang umano’y pagtakbo nina Senators Grace Poe at Chiz Escudero bilang pangulo at pangalawang pangulo sa 2016.

Nabuo ang nasabing balita sa isinagawang press conference ni Rep. Giorgidi Aggabao, pa­ngulo ng NPC  na sinabing buo na ang al­yansa ng kanyang partido at ng NP.

“I do not know what is the basis of Nationa­list People’s Coalition President Giorgidi Aggabao for claiming that NPC and the Nationa­lista Party are forming an alliance to support the candidacy of Sen. Grace Poe as president and Sen. Francis Escudero as vice president,” bungad ni Villar sa isang statement na inilabas ng kanyang opisina. 

Pati anya ang mister na si NP President at dating Senador Manny Villar ay nagulat sa na­ging balita ni Aggabao na tila pinakikialaman nito ang NP dahil kanila pang dinedetermina ang plano ng mga miyembro ng NP bago sila magbigay ng suporta sa hindi miyembro ng partido tulad nina Poe at Escudero.

Kabilang sa mga mi­yembro ng NP na inaasahang tatakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 ay sina Senators Alan Peter Cayetano, Ferdinand “Bongbong” Marcos, at Antonio Trillanes IV.

Ikinagulat din umano ng mga miyembro ng NPC ang naging deklaras­yon ni Aggabao at wala umanong basbas ng partido ang mga naging pahayag nito sa press conference.

Si Escudero ay da­ting miyembro ng  NPC, subalit kumalas ito noong 2009 dahil hindi pumayag ang partido na suportahan ang ambisyon nitong kumandidatong pangulo.

 

ACIRC

AGGABAO

ANG

ANTONIO TRILLANES

CHIZ ESCUDERO

COALITION PRESIDENT GIORGIDI AGGABAO

FRANCIS ESCUDERO

GIORGIDI AGGABAO

GRACE POE

IKINAGULAT

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with