^

Police Metro

Hindi maka-Kristiyano at lumabag pa sa Saligang Batas ang LTO... MMDA sinuway ang ‘no reg, no travel’

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na maka-Kristiyano ay labag pa sa Saligang Batas ang ipinatupad kahapon ng Land Transportation Office (LTO) na ‘no registration, no travel’ policy.

Ito ang sinabi ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kaya’t hindi nila ito ipapatupad.

Sa ipinadalang sulat ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa LTO ay nakasaad na ang kautusan nila ay unconstitutional, wala sa timing at hindi maka-Kristiyano sa kabila na dagsa ang mga biyahero para magtungo sa mga probinsiya upang  doon gunitain ang Semana Santa.

“May mga sasakyan na walang plaka, ‘yun ang dapat hulihin dahil may intent na gamitin ng masama siguro ‘yun pero ‘yung walang plaka dahil hindi ka nabigyan ng plaka ng dea­lership, wala ka namang intensyon na masama,” pahayag ni Tolentino.

Dapat anya ay isinaalang-alang muna ng LTO ang Semana Santa at tulungan muna ang kababayan at ang kanilang mga pamilya na makabiyahe papuntang probinsiya bago nila ipinatupad ang patakaran.

Pinalagan din ng ilang may-ari ng mga may bagong sasakyan ang kautusan ng LTO, dahil ito naman aniya nila may kasalanan kung bakit delay ang pagbibigay ng registration sa kanila at may responsibilidad ito ng nasabing ahensiya.

ACIRC

ANG

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DAPAT

ITO

KRISTIYANO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PINALAGAN

SALIGANG BATAS

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with