MANILA, Philippines - Hindi ipinagbabawal ang pagkain at paliligo ngayong Semana Santa.
Ito ang paglilinaw ni Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) president at Lingayen-Dagupan Archbishop Bishop Socrates Villegas.
Sinabi ni Villegas na ang mga nasabing pamahiin ay hindi ipinagbabawal at sa halip ang mahigpit na pinagbabawal ay ang pagkakaroon ng kasalanan.
Ang mahalaga ngayong panahon ng kwaresma ay ang patuloy na patatagin ang pananampalataya at magtuon ng oras sa pagdarasal.