P-Noy mag-iinspeksyon para tiyakin ang seguridad sa Semana Santa

Philstar.com/File

MANILA, Philippines - Personal na iinspeks­yunin ni Pangulong Noynoy Aquino ang ilang lugar para tiyakin ang seguridad ng publiko ngayong Semana Santa.

Sa mga nakalipas na taon, kabilang sa mga binibisita ang ilang pa­ngunahing pier, paliparan at terminal ng bus para tiyakin ang inilatag na seguridad ng mga ahensya ng pamahalaan para sa mga biyahero ngayong Semana Santa.

“The President always does that since… From the time he star­ted his administration, ang ating Pangulo po ay talagang dumadalaw, ini-inspeksyon po itong ating mga terminals, mga shipping ports, mga airports po just to make sure that… Safety is the number one factor in ensuring that… As our Filipino countrymen go back to their respective provinces to celebrate and to contemplate on Maundy Thursday and until Easter Sunday ay mahalaga po ang kaligtasan po ng ating mga kababayan. With respect to the details of the President’s inspection, let’s just wait for further announcement na lang. Ilalabas po natin ‘yan at we can assure you that you will have advanced notice of the President’s inspection schedule,” wika pa ni Sec. Lacierda sa Radyo ng Bayan.

 

Show comments