^

Police Metro

Revilla, ‘di pinayagan makadalo sa graduation ng anak

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinasura ng  Sandiganbayan ang kahilingan ni  detained Senator Bong Revilla na pansamantalang makalabas ng kulungan para makadalo sa gra­duation ng anak ngayong Sabado, March 28.

Ipinaliwanag ng Sandiganbayan - 1st Division na hindi maituturing na “exceptional circumstance” ang kahilingan ni Revilla  sa nais na pagdalo sa graduation ng anak na si Ma. Franzel Bautista nga­yong Sabado sa Dela Salle Zobel sa Ayala Alabang Muntinlupa mula alas -2:00 ng hapon hanggang alas -7 ng gabi.

Ipinaliwanag ng Sandiganbayan, napayagan noon si Revilla na makalabas ng kulungan dahil itinuturing na “exceptional circums­tances” ang ginawa nitong pagdalaw sa ospital sa anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla nang mabaril ang sarili.

 Si Revilla ay muling nakiusap sa graft court na makalabas ng kulungan at makadalo sa graduation ng anak matapos na payagan kamakailan ng Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada na makadalo sa graduation din ng anak nito.

 Si Estrada at Revilla na kapwa nakakulong sa Philippine National Police - Custodial Center ay pawang may kasong graft at plunder hinggil sa pork barrel scam.

 Ang kaso ni Revilla ay nasa 1st division ng Sandiganbayan at ang kay Estrada ay nasa 5th division ng Sandiganbayan

AYALA ALABANG MUNTINLUPA

CAVITE VICE GOVERNOR JOLO REVILLA

CUSTODIAL CENTER

DELA SALLE ZOBEL

FRANZEL BAUTISTA

IPINALIWANAG

JINGGOY ESTRADA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REVILLA

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with