Convenience stores na nagbebenta ng yosi malapit sa iskul pinetisyon sa DTI
MANILA, Philippines – Hiniling ng Philippine College of Physicians sa Department of Trade and Industry (DTI) na umaksyon laban sa mga convenience stores na patuloy na nagtitinda ng sigarilyo malapit sa mga paaralan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Batay sa nakaposteng petisyon sa www.change.org, may titulo ang panawagan na, “7 Eleven, Ministop at Family Mart: Tanggalin ang sigarilyo sa inyong mga tindahang malapit sa mga paaralan #SmokeFreePH.
Anya, nag-aalala sila sa kalusugan ng mga kabataan lalo na ang mga pumapasok sa mga paaralan na isang paglabag sa Section 10 ng Republic Act No. 9211 (Tobacco Regulation Act of 2003) na nagsasaaad na, “Sec. 10. Sale of Tobacco Products Within School Perimeters. – The sale or distribution of tobacco products is prohibited within one hundred (100) meters from any point of the perimeter of a school, public playground or other facility frequently particularly by minors.”
Ayon sa grupo na napakahina ng pagpapatupad ng naturang batas kaya nananawagan sila sa DTI at maging sa mga lokal na pamahalaan na aksyunan ang isyu.
- Latest