Lalaki pinatay ng kasalubong

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isang 46-anyos na lalaki nang ito ay pagbabarilin nang malapitan sa ulo ng isang lalaki na nakasalubong nito sa eskinita kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Crispin Cleofas, no. 35-K Howmart Road, Bry. Apolonio Samson sa lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw sa kahabaan ng alley 24, Carlos St., Brgy. Baesa nakarinig ang isang Rosie nang mga putok ng baril kaya’t lumabas ito ng bahay para tignan ang pinagmulan ng putok hanggang sa makita niya ang biktima na duguang nakabulagta. Agad niya itong ipinagbigay alam sa mga otoridad.

Show comments