^

Police Metro

Road rage: Tsinoy trader todas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 47-anyos na negosyante ang binaril at napatay ng driver na na­kagitgitan nito sa kahabaan ng C-5 Road, Mindanao Exit, Brgy.Ugong, Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Erwin Tan, dahil sa tatlong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ang bumaril ay isang Rin Teoxon, 43-anyos na tumakas matapos ang pamamaril.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang kanyang Toyota Innova (NWI-253) at binabaybay ang kahabaan ng C-5 Road pauwi sa kanyang bahay nang makagitgitan nito ang suspek na nagmamaneho ng Toyota Hilux (UQN-816) sa nasabing lugar.

Kapwa bumaba ang dalawa sa kanilang mga sasakyan at nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek at iniwan ang kanyang sasakyan.

BATAY

BRGY

ERWIN TAN

ISANG

MINDANAO EXIT

RIN TEOXON

TOYOTA HILUX

TOYOTA INNOVA

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with