^

Police Metro

120 SAF troopers na hindi nagresponde iimbestigahan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bagama’t hindi kapanipaniwala ay pabor ang bagong hepe ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF) na imbestigahan ang nasa 120 SAF commandos na inakusa­hang hindi nagresponde sa napapalaban nilang mga kasamahan kaugnay ng madugong bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang sinabi ni SAF Commander Chief Supt. Moro Virgilio Lazo, bilang reaksyon sa sinabi kamakalawa ni Senador Antonio Trillanes IV na nais maimbestigahan ang nasa 120 SAF commandos na hindi nag-reinforce o tumulong sa napapasabak nilang mga kasamahan sa 84th SAF Seaborne Company at 55th SAF company sa engkuwentro.

Magugunita na noong Enero 25 ay nagkaroon ng madugong bakbakan sa pagitan ng SAF troopers at ng pumintakasi sa mga itong nagsanib puwersang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao, alinsunod sa inilunsad na Oplan Exodus upang arestuhin ang Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na si Zulkipli bin Hir alyas Marwan, may patong sa ulong $5M at Pinoy henchman nitong si Abdul Basit Usman, may reward na $2M, isang bomb expert.

Sa pahayag ni Trilla­nes, na ang nasabing impormasyon ay nabatid niya sa executive session ng Senado na nag-im­bestiga sa Mamasapano clash mula sa ilang mga opisyal ng AFP na tumestigo.

Sinasabing nasa mahigit  300 SAF commandos na kasamahan ng mga sumabak sa bakbakan ay nagre-relax lamang sa kalye, kumakain sa carinderia at nasa sagi­ngan, ang iba pa raw ay nagte-text pa sa kabila nang patuloy umanong putukan.

Ang 120 SAF commandos ay may ilang metro lamang ang layo sa kanilang mga kasamahan na nakikipagbakbakan sa MILF at BIFF rebels.

vuukle comment

ABDUL BASIT USMAN

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

COMMANDER CHIEF SUPT

JEMAAH ISLAMIYAH

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO VIRGILIO LAZO

SAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with