^

Police Metro

Gulo sa tuna manufacturer, lumala

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa planong pagdagdag ng P1 bilyong pondo ng board sa panibagong stock right offer ay lumala umano ang gulo sa  Alliance Select Foods International Inc. ang na­ngungunang tuna manufacturer sa bansa.

Ayon sa source, minamadali ng board of directors ang pagpasa sa planong magsagawa ng panibagong stock rights offer ng hindi pinag-aralan ang financial status ng kumpanya bago kumalap ng P1 bilyong pondo.

Nagsumite noong Feb. 1 ng disclosure sa Philip­pine Stock Exchange (PSE) at Securities and Exchange Commission (SEC) para sabihing inaprubahan ng board ng Alliance ang pagkalap ng P1 bilyong pondo sa pamamagitan ng bagong stock offer kasabay ang planong itaas ang authorized capital stock sa P3 bilyon.

Nabuo ang desisyong kumalap ng dagdag pondo para sa Alliance sa gitna ng pagkalugi ng kumpanya noong nakaraang taon kahit nakakuha ito ng karagdagang P564 milyon mula sa isang investor.

Noong Oct. 2014 ay inakusahan ni Jonathan Dee na P220 milyon mula sa P564 milyon na pondo ang nagamit na ng kum­panya para sa mga supplies pero hindi naman nagbigay ng paliwanag sa board at mga shareholders.

Hiniling ng mga shareholders na buksan ang book of accounts upang makita kung saan napunta ang mga ginastos subalit hinaharang ito ng mga opisyal ng Alliance kaya lalong tumintindi ang pagdududa sa iregularidad sa financial status ng kumpanya.

Ayon sa minority shareholders, ang plano ng board na pagdagdag ng pondo ay isang taktika lamang  upang gipitin silang minority shareholders ng kumpanya dahil tumutol silang magpaluwal ng pondo dahil sa pagkalugi nito.

ALLIANCE SELECT FOODS INTERNATIONAL INC

AYON

DAHIL

FEB

JONATHAN DEE

NOONG OCT

PONDO

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

STOCK EXCHANGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with