BBL ayaw ng taumbayan-survey

MANILA, Philippines - Ayaw ng taumbayan na maipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) batay sa latest survey na isinagawa ng Pulse Asia.

Sa may 1,200 respondents na sinurvey noong March 1 hanggang March 7 ay 44 percent dito ang ayaw sa BBL. Habang 21 percent  ang gusto sa BBL at 36 percent ay wala pang desisyon.

Sa mga ayaw sa BBL, 16 percent dito ang matinding tumututol sa nilalaman ng panukalang BBL at 27 percent naman ay tumanggi lamang na mai­patupad ito.

Sa bilang ng mga pabor sa BBL, may 4 percent naman ang “strong agree” sa pagpasa ng BBL at  17 percent  naman ang “agree”.

Ang panukalang BBL ay patuloy na naka-pen­ding sa Kongreso dahil sa isyu ng Mamasapano massacre na ikinasawi ng 44 SAF troopers.

Sinabi naman ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., ibayong pagsisikap ang gagawin ng Palasyo upang ipaliwanag sa taumbayan ang kahalagahan ng BBL para sa kapayapaan at kaunlaran ng Mindanao.

Show comments