MANILA, Philippines - Kontra ang mayoryang Pinoy sapagbitiwin si Pangulong Benigno Aquino III.
Ito ay batay sa resulta ng Pulse Asia survey na kung saan 42 percent ng respondents ang nais na manatili si Pangulong Aquino bilang pinuno ng bansa sa kabila ng nangyaring kontrobersya sa Mamasapano incident.
Ayon sa Pulse Asia, 29 percent lamang mula sa 1,200 respondents ang pabor na magbitiw si P-Noy habang 28 percent naman ang undecided.
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. sa media briefing, patunay lamang ito ng mayorya ng Filipino ang naniniwala pa rin sa liderato ni Pangulong Aquino.
Subalit, sa survey din ng Pulse Asia na 79 percent ng respondents ay hindi kuntento sa naging paliwanag ni Pangulong Aquino kaugnay sa Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 Special Action Force (SAF) troopers. Hindi rin pabor ang 79 percent ng respondents sa desisyon ni P-Noy na hindi pagdalo nito sa arrival honors ng 44 SAF commandos sa Villamor Airbase.