MANILA, Philippines – Nagsampa ng reklamo si LPGMA partylist Rep. Arnel Ty sa Department of Energy-Department of Justice (DOE-DOJ) Task Force tungkol sa umano’y overpricing ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ng mga bulk suppliers nito.
Ayon kay Ty, 50 sentimos kada kilo o 5.50 kada 11 kilogram cyclinder ang itinaas kamakailan ng bulk suppliers sa presyo ng LPG para sa retail consumers habang P1 hanggang P1.50 kada kilo naman ang itinaas para sa bulk costumers.
Iginiit ni Ty na walang basehan ang sobrang taas ng patong na ito sa presyo ng LPG dahil ang contract price nito abroad ay 471 dollar per ton noong Pebrero habang 472 dollar per ton nitong Marso kaya’t hindi dapat hihigit sa apat na sentimos lamang kada kilo ng LPG ang itaas sa presyo nito rito sa bansa.