Marcos hindi ipapasa ang ‘rubber stamp’ na BBL

MANILA, Philippines - Hindi nila ipapasa ang isang “rubber stamp” na Bangsamoro Basic Law  (BBL)  at titiyakin na  naa­yon ito sa Saligang Batas.

Ito ang panindigan ni Sen. Ferdinand Marcos  Jr., na hindi pwede na kung ano ang ibibigay na iyon na rin ang ipapasa.

Sa halip anya ay hihimayin nila nang  todo para matiyak na hindi ito sasablay.

Anya, marami na silang nakita doon sa draft ng BBL na kailangang ayusin na unconstitutional, illegal at unenforceable.

Sinabi pa nito na trabaho ng Senado na ayusin ang mga panukalang batas,  at kung kailangan na palitan, baguhin o dagdagan gagawin daw nila ito.

Sinuspindi  ni Marcos ang public hearing  dahil na rin sa isyu ng Mamasapano at ipagpapatuloy nila ito kapag nakakuha na ng  ulat mula sa Board of Inquiry  (BOI) at mula sa Moro Islamic Liberation Front  (MILF).- Rudy Andal-

Show comments