Marcos hindi ipapasa ang ‘rubber stamp’ na BBL
MANILA, Philippines - Hindi nila ipapasa ang isang “rubber stamp” na Bangsamoro Basic Law (BBL) at titiyakin na naayon ito sa Saligang Batas.
Ito ang panindigan ni Sen. Ferdinand Marcos Jr., na hindi pwede na kung ano ang ibibigay na iyon na rin ang ipapasa.
Sa halip anya ay hihimayin nila nang todo para matiyak na hindi ito sasablay.
Anya, marami na silang nakita doon sa draft ng BBL na kailangang ayusin na unconstitutional, illegal at unenforceable.
Sinabi pa nito na trabaho ng Senado na ayusin ang mga panukalang batas, at kung kailangan na palitan, baguhin o dagdagan gagawin daw nila ito.
Sinuspindi ni Marcos ang public hearing dahil na rin sa isyu ng Mamasapano at ipagpapatuloy nila ito kapag nakakuha na ng ulat mula sa Board of Inquiry (BOI) at mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).- Rudy Andal-
- Latest