MANILA, Philippines - Kapwa nasa malubhang kalagayan ang isang mag-ama matapos silang magtagaan nang pumalag ang anak sa ama na umano ay umbagero kamakalawa ng gabi Brgy. Curuan, Zamboanga City.
Ang mag-ama ay kinilalang sina Rogelio dela Cruz, 50 anyos at anak nitong si Jayson, 24, pawang residente ng Sitio Lubay, Brgy. Curuan ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat, bago nangyari ang tagaan ng mag-ama ay nag-inuman muna ang mga ito hanggang sa kapwa nalasing na kung saan ay ginulpi ng ama ang misis nito.
Tinangkang awatin ng anak ang ama, subalit kumuha ito ng itak at pinagtataga siya hanggang sa nakakuha rin ng itak ang una at pinagtataga ang huli.- Joy Cantos-