MANILA, Philippines - Batay sa resulta ng imbestigasyon ng PNP-Board of Inquiry na pinamumunuan ni P/Director Benjamin Magalong na 4 sa nasawing 44 Special Action Force (SAF) commandos ay buhay pa nang brutal na paslangin matapos na makorner ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa inilunsad na Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.
“Autopsy record 4 SAF commandos were shot at close range while they were still alive. Records also indicate that some SAF commandos stripped off their protective vest prior to being shot at close range”, paglalahad pa sa resulta ng PNP-BOI report.
Ang apat na mga SAF commandos ay sabog ang bungo at wasak ang dibdib na palatandaang binaril ang mga ito nang malapitan.
Isa rito ay si PO2 Joseph Sagonoy, na may tama lamang ng bala sa hita na idinadaing nito pero pinasabog ang bungo na kinunan pa ng ‘brutal video’ at ipinoste sa facebook ng pumaslang ritong MILF rebel.
Ayon pa sa PNP-BOI report, 16 lamang sa mga ninakaw na baril at isang cellphone ang isinoli ng MILF na tsinap-chop at pinalitan ng mga bahagi ng armas partikular na ang mga nakakabit ditong modernong mga gadgets.- Joy Cantos-