^

Police Metro

Abogado nasampulan ng LTO sa anti-drunk driving drugged act

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado ang umano’y abogado sa mga miyembro ng Land Transportation Office kaugnay sa ipinapatupad na anti-drunk driving drugged act sa lungsod Quezon.

Sa ulat ni PO3 Edward Rimando ng Quezon City Police Station 10, ang suspect ay nakilalang si Manuel Angelo Ventura III, 34, binata ng No. 7-C Matipono St., Brgy. Pinyahan sa lungsod.

Si Ventura ay inaresto ng mga kagawad  ng LTO Central Office matapos na malanghap na amoy  alkohol ang una. Nabigo rin itong makapasa sa sobranity test, isang uri ng pagsusuri para malaman kung nakainom ng alak ang isang driver gaya ng pagpapalakad ng tuwid sa kalye.

Ang insidente ay naganap sa  kahabaan ng Timog Avenue, kanto ng Sct. Torrillo, Brgy. Sacred Hearth, ganap na alas 11:30 ng gabi. Tiyempo naman na nagsasagawa ng operasyon ang LTO-NCR law enforcement unit sa nasabing lugar kung saan napadaan si Ventura sakay ng Honda City (UOK-808).

Nadiskubre rin na walang dalang lisensiya si Ventura kaya binitbit ito sa nasabing presinto. Kasong paglabag sa Republic act 10586 o  anti-drunk dri­ving drugged act of 2013 ang kinakaharap ngayon ni Ventura.

BRGY

C MATIPONO ST.

CENTRAL OFFICE

EDWARD RIMANDO

HONDA CITY

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANUEL ANGELO VENTURA

QUEZON CITY POLICE STATION

SACRED HEARTH

VENTURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with