MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang Barangay Kagawad nang ito ay pagbabarilin sa naganap na ambush kamakalawa sa Purok Santan, Brgy. Cogon, Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur.
Ang nasawi ay kinilalang si Sanelyn Digol, 27, residente ng Purok Orchids, Kagawad ng Brgy. Cogon ng bayang nabanggit.
Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang kanyang Honda XRM mula sa bayan ng Margosarubig at pauwi na sa kanyang bahay nang ito ay pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang kalalakihan.
Tumilapon sa kanyang motorsiklo ang biktima at tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang target.
Nasamsam ng mga otoridad ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay.