^

Police Metro

Maintenance firm ng MRT pumalag sa paninisi ng DOTC

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na paninisi ng Department of Transportation and Communication (DOTC) sa Global APT ang kumpanyang nagre-repair sa mga riles at tren ng Metro Rail Transit-3  na ikinaiinis ng mga pasahero ay pumalag na ang kumpanya.

Ayon kay Emmanuel Veloso, CEO ng Global APT, noong isang taon pa nila iminungkahi sa tanggapan ni DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya na dapat nang palitan ang lahat ng riles sa MRT.

Sinabi ni Veloso, hindi sila dapat sisihin sa patuloy na pagkasira ng mga tren na kadalasang nagdudulot ng abala sa mga pasahero.

Aniya, kahit maglagay ng mga bagong bagon ay wala paring katiyakan na hindi na magkakaroon ng ­aberya sa MRT dahil sa palpak at mahina ng riles ng tren.

Iginiit pa ni Veloso na nagagampanan nila ang lahat ng nakasaad sa kanilang kontrata at wala silang pagkukulang sa kanilang tungkulin.

Ayon naman sa isa pang opisyal ng Global APT na tumangging magpabanggit ng pangalan na kadalasan ay delay umano at pahirapang makasingil sa DOTC sa kanilang serbisyo.

vuukle comment

ANIYA

AYON

DAHIL

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

EMMANUEL VELOSO

IGINIIT

JOSEPH EMILIO ABAYA

METRO RAIL TRANSIT

SINABI

VELOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with