NPA attack: 7 parak nasugatan

MANILA, Philippines - Nasugatan ang pitong pulis matapos matamaan ng sumabog na landmine at pagbabarilin ng mga New People’s Army (NPA) rebels kamakalawa sa kahabaan ng Buda national highway ng Brgy, Puntian, Quezon, Bukidnon.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina PO1’s Turing Dalumpines; Lou  Tangurang; Junel Macabenlar; Roy Maratas; Ryan Reduca; Bob Colita  at Hermie Alabe; pawang miyembro ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) Region 10.

Sa ulat ni Inspector Jiselle Longakit, Spokesperson ng Bukidnon Police, dakong alas-9:30 ng umaga ay lulan ng PNP vehicle ang mga pulis sa pamumuno ni Inspector Joemar Calud at binabagtas ang nasabing lugar nang sumabog ang landmine at paulanan ng bala ng nakaposisyong NPA rebels sa lugar.

Kahit nasorpresa ay nakipagpalitan ng putok ang mga pulis  sa mga rebelde na tumagal ng 55 minuto bago nagsiatras ang mga kalaban bitbit ang mga sugatan nilang mga kasama.

 

Show comments