^

Police Metro

2 bata dedo sa meningo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang bata ang napaulat na namatay sa sakit na meningococcemia sa Caloocan City.

Kung kaya’t binabalot ngayon ng takot ang mga magulang at hindi na umano pinapapasok ang kanilang mga anak sa Morning Breeze Elementary School sa Pilar Street, Morning Breeze Subdivision, sa naturang lungsod.

Unang nasawi ang isang grade 1 na babaeng pupil nitong nakaraang Miyerkules sa Manila Central University Hospital nang apuyin ng matinding lagnat at magsuka umano. 

Nilagnat ang bata noong Lunes sa loob ng paaralan at hindi pinapasok nitong Martes at pagpasok ng  Miyerkules ay  inapoy ito ng lagnat sa paaralan at nawalan ng malay kaya isinugod sa pagamutan.

Nitong Biyernes, isang bata pa umano ang nasawi na nag-aaral sa naturang paaralan rin dahil sa matin­ding lagnat.

Binalot na ng pangamba ang mga magulang ng makaraang kumalat ang bali-balita sa Morning Breeze at Bagong Barrio sa Caloocan na namatay ang mga bata dahil sa meningo. 

May ilang hindi kumpirmadong ulat rin na hinihinalang nasawi ang unang paslit dahil sa Mers-COV dahil kasama umano nito ang ama na sumundo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at posibleng doon nakuha ang naturang sakit.

Itinanggi naman ni Caloocan Mayor Oscar Malapitan ang balita na Meningo, Mers-COV, o Ebola ang ikinamatay ng paslit dahil sa medical record ng pasyente ay pneumonia ang ikinasawi nito.

 

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN MAYOR OSCAR MALAPITAN

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

MIYERKULES

MORNING BREEZE

MORNING BREEZE ELEMENTARY SCHOOL

MORNING BREEZE SUBDIVISION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NITONG BIYERNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with