Miyembro ng Cafgu pinatay sa harap ng pamilya

MANILA, Philippines – Sa mismong harap ng kanyang nag-iiyakang misis at mga anak binaril ang isang miyembro ng Cafgu kamakalawa ng hapon sa isang liblib na lugar sa Purok Sampaguita, Malabog, Paquibato District, Davao City.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Romelito Jumang-it, 34-anyos na nagtamo ng tama ng baril sa ulo.

Batay sa ulat, dakong alas- 3:00 ng hapon ay abala sa bukid ang biktima kasama ang misis nito at mga paslit na anak nang dumating ang mga armadong rebelde.

Agad na kinaladkad paluhod ang biktima at ratratin ng mga armadong rebelde na hindi pinakinggan ang pagmamakaawa sa buhay nito ng umiiyak nitong pamilya.

Show comments