Mananakay sa MRT kumokonti
MANILA, Philippines – Bumaba ang bilang o kumokonti ang mga pasahero na sumasakay sa Metro Rail Transit bunsod ng halos araw-araw na aberya sa biyahe.
Sinabi ni DOTC spokesman Michael Sagcal, na ang pagkonti ng mananakay ay posibleng natatakot na ang mga ito dahil sa palagian na lamang nagaganap na aberya.
Sinabi ni Sagcal, noong 2013 ay nasa 540,000 kada araw ang mga pasahero ng MRT-3 pero simula noong 2014 ay bumaba ito sa 466,000 kada araw at patuloy pang bumababa sa 1st quarter ng 2015.
Una ng iniulat ni MRT-3 General Manager Roman Buenafe na nitong Feb. 16, 2015 ay nakapagtala sila ng pinakamababang bilang ng mga tren na umaandar sa isang araw, o 9 hanggang 10-train sets lamang, na kalahati ng dating 18 hanggang 20-train sets na bumibiyahe bunsod ng mga aberya dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Tiniyak naman ni Sagcal na pinipilit nilang magkaroon ng emergency procurement ng mga spare parts ng mga sirang tren para magkaroon ng bidding sa Marso at maisaayos na ang mga ito.
- Latest