^

Police Metro

2 custodial officers ni Bong at Jinggoy kakasuhan na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinasasampahan ng kasong administratibo at kriminal ang dalawang custodial officers matapos na mabuking ang pagpuslit sa Philippine National Police-Custodial Center nina Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at Senador Jinggoy Estrada na dumalo sa birthday party ni Senador Juan Ponce Enrile noong Pebrero 14.

Pirmado ni PNP–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Benjamin Magalong ang rekomendasyon ng pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban kina Supt. Eulogio Fabro, Chief ng PNP –Custodial Center at Sr/Insp. Cecilia Tapaoan, duty officer .

Habang inabsuwelto naman sa anumang kaso ang sinibak na Director ng  Headquarters Support Service (HSS) P/Chief Supt. Alberto Supapo at  lima pang custodial officer kaugnay sa nakitang irregularidad sa pagtakas nina Bong at Jinggoy sa kanilang selda.

Magugunita na  nong Pebrero 14 ay kapwa nagpahatid sa emergency room ng PNP General Hospital sina Revilla at Estrada dahil umano sa migraine at pataas ng blood pressure ng huli. Ngunit pareho rin naman na dumiretso sa Specialty Ward kung saan ginaganap ang birthday party ni Enrile.

Batay sa resulta ng imbestigasyon ng PNP -CIDG, tila nagsabwatan sina Fabro at Tapaoan para i-fascilitate ang pagbisita ni Revilla  at Jinggoy kay Enrile. Si Supapo naman ay naabsuwelto dahil tumugon lang ito sa pangangailangang medical ng mga senador sa pagbibigay ng clearance kina Fabro at Tapaoan. 

Nabatid pa na inirekomenda rin sa resulta ng imbestigasyon na iabsuwelto sa kaso sina Chief Inspector Duds Raymond Santos, PO2 Marlo Bello, PO2 Rico Padilla, PO2 Dennis de los Santos at PO1 Joselito Olayvar.

vuukle comment

ALBERTO SUPAPO

CECILIA TAPAOAN

CHIEF INSPECTOR DUDS RAYMOND SANTOS

CHIEF P

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CUSTODIAL CENTER

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

ENRILE

EULOGIO FABRO

FABRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with