^

Police Metro

Pulitiko bawal umepal sa graduation rites

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpaalala ang pamunuan ng Department of Education sa mga pampublikong eskwelahan na huwag mag-iimbita ng pulitiko sa kanilang mga graduation rites.

Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, dapat gawing politics-free ang graduation rites, solemn, naka-pokus sa mga estudyante at kanilang mga magulang at hindi venue para sa anumang political forum.

Sinabi naman ni Education Undersecretary Tonisito Umali maaari namang dumalo ang mga opisyal ng pamahalaan tulad ng mga alkalde sa graduation rites, ngunit hindi dapat na ‘umepal’ ang mga ito.

Aniya, maaaring magbigay ang mga ito ng ins­pirational message sa mga  magsisipagtapos ngunit nanawagan na hindi dapat na mapulitika ang okasyon.

Una nang itinakda ng DepEd ang graduation rites ngayong taon sa Marso 26 at 27.

Nagpaalala rin si Luistro sa mga school heads na gawing simple at hindi magarbo ang graduation upang hindi na problemahin pa ng mga magulang.

ANIYA

ARMIN LUISTRO

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION UNDERSECRETARY TONISITO UMALI

LUISTRO

MARSO

NAGPAALALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with