MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang biktima ng salvage ang dalawang lalaki na natagpuan sa magkahiwalay na lugar kahapon ng umaga sa Smokey Mountain sa Road 10 Vitas Tondo, Manila at sa ilog Pasig sa likod ng Central Post Office.
Ang unang biktima ay inilarawan na nasa pagitan ng edad 25 hanggang 35, kalbo at may tali ng kawad ng kuryente sa leeg na pinaniniwalaang sinakal muna bago ito sinunog ng buhay na natagpuan dakong alas-6:40 ng umaga sa Smokey Mountain, Road 10, Vitas, Tondo.
Ang ikalawang biktima ay natagpuang palutang-lutang sa ilog Pasig, sa likuran ng Post Office sakop ng Ermita Manila., kahapon.
Ang dalawang biktima ay kapwa tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.