Pagbalik sa dating pasahe ng MRT, iginiit
MANILA, Philippines – Iginiit kahapon ng workers group na Riles Network sa pamahalaan na ibalik sa dating halaga ang pasahe sa MRT dahil wala naman anyang nabago sa serbisyo at mga pasilidad tulad ng lumang mga riles, sirang elevator, escalator at banyo.
Ayon kay Sammy Malunes, spokesman ng Riles Network na dapat isaalang-alang ni DOTC Secretary Jun Abaya ang kaligtasan at pagpapahusay sa serbisyo sa mga mananakay ng MRT dahil nagtaas na ito ng singil sa pasahe at palagiang pagkakaroon ng temporary shutdown tuwing araw ng Sabado at Linggo na nagdudulot ng perwisyo sa mga mananakay.
Samantala, sasama na rin sa pagsasampa ng temporary restraining order (TRO) laban sa MRT at LRT hike si Senator Joseph Victor “JV” Ejerctio at ilang mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Nakatakdang isampa ngayong umaga sa Supreme Court ang petisyon na naglalayong pigilan ang ipatutupad na pagtaas ng pamasahe sa MRT at LRT.
- Latest