MANILA, Philippines – Ilang mga kongresista ang nagsusulong na bigyan ng tax exemption si boxing icon Manny Pacquio mula sa kita sa laban nito sa Amerikanong si Floyd Mayweather Jr.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Representatives Christopher Co at Rodel Batocabe, senior member ng House Ways and Means Committee at spokesman ng partylist Coalition na ang karangalan na ibinibigay sa bansa ni Pacquiao bilang boksingero, kaya’t marapat lamang na bigyan ang People’s champ ng inspirasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng tax incentive na tulad ng panukala na isinusulong din ni Senador Aquilino Pimentel III.
Iginiit pa ng mga kongresista na pinagkakaisa ni Pacman ang tao dahil sa tuwing may laban ito ay nagkakaisa ang New People’s Army (NPA), Moro Islamic Liberation Front (MILF) maging and Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Para naman kay AGAP partylist Nicanor Briones, vice-chairperson ng Committee on Ways and Means at CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna, na isang living hero si Pacquiao kaya dapat itong bigyan ng tax exemption.
Base sa panukala ni Pimentel, ang special tax incentive ay isang “fitting tribute” para kay Pacman na nagbibigay ng karangalan sa bansa at muling makikilala ang bansa sa buong mundo dahil sa inaabangan laban nito kay Mayweather sa Mayo 2 sa Las Vegas.
Una nang nagpaalala si BIR commissioner Kim Henares si Pacquiao kaugnay sa pagbabayad nito ng buwis sa kikitain nito sa laban niya kay Mayweather na inaasahang bilyong piso.