MANILA, Philippines – Nagreklamo ang mga kamag-anak ng namayapa nang sina Elvira Mitran, Crispolo Mitran at Reynaldo Navarro na hindi iginalang dahil kabilang sila sa mga pinalagda sa recall petition na isinampa ni Alroben Goh laban kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron.
Ayon kay Atty. Jean Lou Aguilar, nakakuha sila ng dokumento sa lagda ng tatlong namatay gayundin ang kanilang death certificates pati ang litrato ng kanilang mga nitso upang patunayan ang ginawa ni Goh.
Bukod umano sa nasabing namatay na tao na pinalagda ay pinalsipika rin ang lagda ng mahigit 7,000 botante at 7,000 pang doble-doble ang lagda sa petisyon na nagpatunay sa alegasyon na ang recall petition ay isang kalokohan.
“Sa huli natuklasan, lalong tumindi ang kalokohan sa madayang recall petition na nagpapatunay na ilegal at walang kredibilidad ang petisyon ni Goh.” wika ni Aguilar.
Muling nanawagan si Aguilar sa taga-Puerto Princesa na huwag pahintulutan ang kalokohang recall election para lamang mapalitan ang repormistang politiko na si Bayron.