^

Police Metro

Pagdinig ng kaso laban kay Pemberton sa marso na

Randy V. Datu - Pang-masa

OLONGAPO CITY, Philippines – Nagtakda na ang Regional Trial Court sa Lungsod na ito ng unang pagdinig sa kasong pagpatay sa Filipino transgender na si Jennifer Laude ng Amerikanong si Lance Corporal Joseph Scot Pemberton sa darating na ika-23 ng Marso.

 Matapos ang pre-trial conference na nagsagawa ng pagsusuri ng mga dokumento at pagkilala sa mga saksi, inihayag ni Olongapo City RTC Branch 74 Judge Roline Ginez-Jabalde na pormal nang magsisimula ang pagdinig sa kaso simula sa darating na Marso 23.

 Si Pemberton ay u­nang hindi nagbigay ng kanyang plead noong arraignment nito noong Pebrero 23,  kaya ang korte na ang naghain ng “not guilty plead”.

 Sa pagsisimula ng pagdinig sa kaso sa Marso 23, inaasahang magkakaroon ng hatol sa buwan ng Setyembre ng taong ito.

 Sinampahan ng kasong murder si Pemberton makaraang matagpuang patay ang kasama nitong si Laude sa loob ng Ambyanz Hotel sa Olongapo City noong Oktubre 1 ng nakaraang taon.

AMBYANZ HOTEL

AMERIKANONG

JENNIFER LAUDE

JUDGE ROLINE GINEZ-JABALDE

LANCE CORPORAL JOSEPH SCOT PEMBERTON

MARSO

OLONGAPO CITY

REGIONAL TRIAL COURT

SI PEMBERTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with