^

Police Metro

All out offensive sa Sulu: 22 na patay, 46 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 22-katao ang nasawi kabilang ang 20 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang 46 pa ang nasugatan sa ikatlong araw ng inilunsad na all out offensive ng tropa ng militar laban sa mga bandido sa lalawigan ng Sulu, ayon sa mga opisyal ng militar kahapon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col. Harold Cabunoc, muling nakasagupa ng tropa ng Joint Task Group Sulu sa ilalim ng superbisyon ni Col. Alan Arrojado ang nasa 300 bandido sa Brgy. Buhanginan, Patikul, Sulu dakong alas-12:15 ng tanghali nitong Biyernes.

Pito naman sa tropa ng gobyerno ang nasugatan. Nabatid pa na tatlong Jemaah Islamiyah (JI) terrorist ang kinakanlong ng ASG sa Sulu at dalawa naman sa kanugnog na lalawigan ng Basilan.

Nitong Miyerkules hanggang Huwebes ay dalawang sundalo at 14 bandido na ang napaslang.

Samantalang 19 naman ang nasugatan sa panig ng ASG at 16 mula sa tropa ng mga sundalo. Sa kabuuan, sa ikatlong araw ng opensiba ay tumaas na sa 22 ang nasawi at 46 pa ang nasugatan.

ABU SAYYAF GROUP

ALAN ARROJADO

AYON

BASILAN

CHIEF LT

HAROLD CABUNOC

JEMAAH ISLAMIYAH

JOINT TASK GROUP SULU

NITONG MIYERKULES

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with