^

Police Metro

BBL iaakyat sa UN

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbanta ang oposisyon sa Kamara na i-aakyat sa United Nations (UN) ang usapin sa isyu ng malagim na engkwentro sa Mamasapano Maguindanao kung saan nasawi ang 44 miyembro ng SAF.

Sinabi nina Abakada partylist Rep. Jonathan dela Cruz at Buhay partylist Lito Atienza, na pinag­iisipan na nila ito dahil wala namang malinaw na pinupuntahan ang kaliwa’t kanang imbestigasyon sa insidente ng ehekutibo, Philippine National Police at Senado.

Nilinaw pa ng mga kongresista na hanggang maaari ay ayaw nilang i-internationalize ang naturang isyu subalit masyado na umano itong kumplikado.

Pinayuhan naman na may halong patutsada ni Dela Cruz ang Malakanyang at sinabing dapat palitan na ang scriptwriter nito dahil palpak ang trabaho sa paiba-ibang linya ng palasyo kaugnay sa Mamasapano incident.

Giit pa ng mga kongresista, nakaka-tatlong script na umano ang Malakanyang subalit nagkakabuhol-buhol at nagkakasabit-sabit pa rin si Pangulong Aquino.

ABAKADA

BUHAY

DELA CRUZ

LITO ATIENZA

MALAKANYANG

MAMASAPANO MAGUINDANAO

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with