2 lalaki todas sa kuryente

MANILA, Philippines - Nasawi sa pagkakur­yente ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.

Ang unang biktima ay kinilalang si Dominador Barcebal Jr., 64, hardinero ng Brgy. Tatalon sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali ay nasa itaas ng puno at nagtatabas ng dahon  si Barcebal sa may Vibal publishing na matatagpuan sa no.130 Don Pepe St., kanto ng Simon St., Brgy. Sto Domingo nang bumagsak ang sanga na sumabit sa kawad ng kuryente at bumagsak sa biktima na naging dahilan para ito ay makuryente.

Dakong ala-1:30 ng hapon ay namimitas ng bunga ng mangga si Javier sa may Lakandula St., Brgy. Bagumbuhay nang tumama ang kalawit nito sa kawad ng kuryente at nangisay kaya’t bumagsak na una ang ulo.

Naisugod pa ito sa ospital, subalit nasawi din dahil sa pagkabagok ng ulo at natamong first degree burn.

Show comments