^

Police Metro

MILF at ASG magkakampi?

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilantad sa pagdinig ng Senado ang mga larawan na nagpapakita ng diumano’y mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kasama ang Abu Sayyaf Group (ASG) sa isang training camp sa Sulu.

 Ang mga larawan ay ipinadala ni Sulu Vice Governor Abdusakur Tan sa tanggapan ni Senator Grace Poe  bilang patunay na nagkakaroon ng training at recruitment ang MILF sa Panglima Estino,  Sulu.

 Sa sulat ni Tan kay Poe, chairman Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sinabi nito na  nakakabahala para sa mga ordinar­yong mamamayan ang mga high-powered firearms na makikita sa mga litrato.

 Aniya, dapat na imbes­tigahan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang nasabing alegasyon na training ng MILF at ASG dahil labag ito sa ceasefire na umiiral  sa pagitan ng gobyerno at ng MILF.

 Ayon naman kay Go­vernment Peace Panel Chair Miriam Coronel Ferrer, bina-validate pa ng gobyerno ang nasabing mga larawan.

 Ipinaliwanag nito na  ang mga larawan ay may kinalaman din sa pulitika sa Sulu lalo at ibang klase umano ang pulitika sa nasabing lugar.

 Ayon naman kay MILF negotiating chairman Mohagher Iqbal, hindi niya maaaring kumpirmahin ang authenticity ng mga larawan na una umanong lumabas  sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong nakaraang buwan bagaman at hindi pa kinikilala kung sinu-sino ang mga nasa larawan.

 Ang ipinapakita lamang umano sa mga la­rawan ay ang recruitment ng MILF sa Sulu pero hindi nangangahulugan na mga Abu Sayyaf ang mga ito.

 Sa mga larawan may mga text na tumutukoy sa ilang personalidad katulad ng “MILF member and mostly ASG,”  at nakasaad ang petsa mula Enero 01, 2015. Lugar-CAMP AKBAR, DEMO FARM. Barangay Punay, Municipality of Panglima Estino, Sulu.”

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AYON

BARANGAY PUNAY

LARAWAN

MABABANG KAPULUNGAN

MILF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with