MANILA, Philippines - Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang most wanted sa panghoholdap matapos ang isinagawang surveillance sa Tondo, Maynila.
Kalaboso ngayon si Ryan Tibor, 30, ng F. Yuseco St., Tondo alinsunod na rin sa warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 42 dahil sa kasong robbery.
Base sa ulat ng pulisya, alas 9 ng gabi kamakalawa nang namataan si Tibor sa kanyang bahay at maispatan ng isang impormante na agad namang ipinaalam sa pulisya.
Sinabi ni Villanueva na patung-patong ang reklamo at kaso ng panghoholdap laban kay Tibor.