MANILA, Philippines – Inuga ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Pangasinan kahapon ng umaga.
Ito ang iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na naramdaman ang lindol 103 kilometro sa hilangang kanluran ng Bolinao, Pangasinan, ganap na alas-9:31 ng umaga.
Tectonic ang origin ng nasabing lindol na may lalim na 35km.
Dakong alas-2:19 ng madaling araw nang yanigin naman ng magnitude 3.8 na lindol ang Davao Occidental at naramdaman ang sentro ng pagyanig sa 38 km sa hilagang Silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.
Tectonic din ang origin nito na may lalim na 116 km.
Wala namang iniulat na nasirang ari-arian, maging ang mga inaasahang aftershocks ang dalawang lugar na nilindol.