Obrero naglason sa trabaho

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay ang isang 48-anyos na lalaki matapos itong lumaklak ng lason sa loob ng pinapasukang construction site kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Jimmy Binibini, chemical mixer (ATC) ng Asian Television Center LBC Bldg., at residente sa Block 3, Lot 4 Paraguay St., Harmony Hills, San Jose del Monte, Bulacan.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang matagpuan ang biktima na nakahiga at bumubula ang bibig sa opisina ng ATC LBC Bldg., na matatagpuan sa no. 85 Doña Justina Subd., Filinvest 2, Brgy. Batasan Hills na agad dinala sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay.

Nakita sa tabi ng biktima ang isang suicide note na humihingi ito ng tawad na nakapangalan sa isang Maribel.

Patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang dahilan ng pag-suicide ng biktima.

Show comments