^

Police Metro

Mga nakuhang baril ng SAF hindi isosoli… PNP hinamon ng BIFF ng giyera

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinamon umano ng panibagong giyera ng Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang pamunuan ng pulisya na hindi isosoli ang nakuha nilang mga armas ng SAF 44  kung walang magaganap na rematch.

Ito ang sinabi kahapon ni Abu Misry, spokesman ng BIFF matapos na nanawagan ang PNP na isoli ng mga ito ang nakuha nilang armas sa napatay na mga mi­yembro ng SAF troopers noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao encounter.

Ang naging panawagan ng PNP sa BIFF ay nang isoli ng Moro Islamic Liberation Front  (MILF) noong Huwebes ang 16 armas ng SAF na pawang kinatay na at wala na sa orihinal na kung saan ay tinanggal ang mga naka­kabit na gadgets dito.

Una nang inihayag ng BIFF na sampu sa mga baril  ng  44 napaslang na SAF commandos ay nasa kanilang pag-iingat na nakuha nila sa bakbakan.

“Kumbaga sa boxing knockdown sila (SAF commandos) sa amin na etong 10 firearms  na nakuha namin, di namin isosoli ng walang rematch, nakuha nila ang mga baril at hindi hiniram”, wika ni Misry sa isang radio interview.

Ayon pa kay Misry na gagamitin nila ang nakuhang mga baril sa mga security forces na magtatangkang pumasok sa kanilang balwarte.

Ipinagmamalaki naman ng mga opisyal ng PNP na nalagasan man sila ng 44 SAF commandos ay umiskor  rin sila nang mapatay ang target ng secret mission na si Jemaah Islamiyah (JI) terrorist Zulkipli bin Hir alyas Marwan may reward na $ 5M at nakapatay rin sila ng 18 MILF rebels mula sa grupo ni Commander Jack Abas.

Nabatid na nasa 64 ang mga armas ng SAF commandos na  tinangay ng mga kalaban at  16 pa lamang dito ang naibabalik ng MILF.

ABU MISRY

COMMANDER JACK ABAS

ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

JEMAAH ISLAMIYAH

MISRY

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with