MANILA, Philippines - Imposible na makapasa sa Kongreso ang orihinal na bersyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ito ang pag-amin ni House Ad Hoc Committtee on the Bangsamoro Chairman at Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguz dahil maraming tiyak na mababago sa BBL matapos ang Mamasapano encounter.
May ilang probisyon din umano ng BBL ang siguradong papalagan, lalo na kung hindi maisasakatuparan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga kundisyon na inilatag ng mga mambabatas.
Dahil sa nabago ang timetable ng Kamara ay posibleng ma-delay ang pagpapatibay sa BBL na noong una ay target nila na makapasa sa Committee Level ang BBL ngayong Pebrero, subalit malabo na umano ito dahil magre-resume ang kanilang deliberasyon sa susunod na buwan.